Regine Velasquez, handa na sa kanyang pagbabalik-pelikula

ABS-CBN News

Posted at Oct 29 2019 02:43 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Isa sa inaabangan sa Cinema One Originals Film Festival ang pagbabalik ni Regine Velasquez-Alcasid sa paggawa ng pelikula para sa "Yours Truly, Shirley."

"I'm just very happy to be here na mapabilang sa magagaling na artista natin dito. Wala ako expectations," ani Regine.

Pabiro naman ang naging sagot ni Regine kung umaasa pa ba siyang manalo ng best actress at dito. "Kung ihahambing mo naman ang role ko sa role ni Miss Cherie Gil parang kinanta niya 'yung 'What Kind of Full Am I' tapos ako kinanta ko 'Urong Sulong.' Ganun ang basehan," aniya.

Mapapanood ang "Yours Truly, Shirley" at iba pang kalahok sa 2019 Cinema One Originals simula ngayong Nobyrembre 7-17 sa mga piling sinehan.


-- Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.