Claudine Barretto, binalikan ang kanyang viral 'ASAP' video

ABS-CBN News

Posted at Oct 29 2019 03:54 PM

MAYNILA -- Masayang binalikan ng aktres na si Claudine Barretto ang viral video niya sa "ASAP" noong 2003.

Sa naging pagbisita ni Claudine sa "Showbiz Pa More" na napapanood sa Jeepney TV, napag-usapan nila ang naging pagmumura ng aktres sa kanyang naging live guesting noon sa Sunday noontime show.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Oy excuse me at least nauna ako sa YouTube," tugon ni Claudine. "Tao lang po, nagmumura rin, 'di ba?"

Kuwento pa ni Claudine, agad niyang pinuntahan ang direktor nang "ASAP" na si Johnny Manahan para humingi ng dispensa.

"Pumunta ako sa booth ni Mister M [Johnny Manahan]. Tawa siya nang tawa. Akala ko masu-suspend ako ng MTRCB, thank God, hindi. Pero at least masasabi ko nauna ako sa YouTube," ani Claudine.

Kuwento pa ng aktres, hindi naging malaking issue noon ang kanyang pagmumura.

"Not exactly everybody pero siguro kapag nangyari rin sa inyo nu'n, 'yun rin ang masasabi niyo minsan. 'Yun lang ang maganda kasi wala akong image so na-accept naman ng tao," pahayag ng aktres.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.