Sherilyn, Cai at Aubrey, ibinahagi ang nakakatakot na karanasan

ABS-CBN News

Posted at Oct 28 2019 11:51 AM

MANILA -- Ibinahagi nina Sherilyn Reyes, Cai Cortez at Aubrey Miles ang kanilang mga nakakatakot na karanasan sa naging pagbisita nila sa "Magandang Buhay" nitong Lunes.

Kinuwento ni Sherilyn na isang babaeng multo ang nagpakita sa kanyang anak na si Ryle sa dati nilang condo, habang si Cai naman ay nakasaksi sa isang taong tila nasasapian.

Samantala, ibinahagi naman ni Aubrey ang takot niya sa sementeryo. 

Ang "Magandang Buhay" host naman na si Melai Cantiveros ay naikuwento ang hindi maipaliwanag na ingay sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa Mindoro.

Narito ang nakakatakot na kuwentuhan sa "Magandang Buhay":

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.