PANOORIN: Kapamilya stars may maagang pamasko sa 'ASAP'

ABS-CBN News

Posted at Oct 27 2019 01:36 PM

Nagsanib-puwersa ang Kapamilya stars sa "ASAP Natin 'To" para sa isang Christmas-themed performance. ABS-CBN

Nagsanib-puwersa ngayong Linggo sa "ASAP Natin 'To" stage ang Kapamilya stars para sa isang maagang pamasko.

Umawit sina Sarah Geronimo, Toni Gonzaga, TNT Boys, Esang de Torres, at "Tawag ng Tanghalan Kids" champion John Clyde Talili ng masasayang Christmas songs gaya ng "Feliz Navidad" at "Dónde Está Santa Claus."

Watch more in iWant or TFC.tv

Sinundan ang song number ng isang nakakaaliw na dance number, na angkop pa rin sa temang Pasko, tampok ang mga batang artista sa Kapamilya network. 

Kabilang sa mga sumali sa dance number ang mga batang cast member ng mga seryeng "Starla" at "Nang Ngumiti ang Langit," at si "You Do Note" girl Majo Lingat.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.