Vilma Santos, gustong makatrabaho si Daniel Padilla

ABS-CBN News

Posted at Oct 27 2017 04:27 PM

MANILA -- "Daniel Padilla." 

Ito ang mabilis na sagot ni Star for All Seasons Vilma Santos nitong Biyernes nang matanong kung sinong mas batang aktor ang nais niyang makatrabaho. 

"Naku! Ang dami nilang magaling. Daniel Padilla," ani Vilma sa isa sa host ng "Magandang Buhay" na si Karla Estrada, ina ni Daniel.

Ayon kay Vilma, natutuwa siya na makasama ang mga batang aktor.

"Very inspiring. Definitely, it's a privilege. Kasi imagine for your age, mayroon ka pang nakaka-partner na mas bata sa iyo. At the end of the day, para hindi kayo mukhang alangan ay babagsak 'yon sa theme ng istorya," ani Vilma.

"But doing a movie with younger leading men or younger actors, definitely it's a privilege," dagdag niya.

Pag-amin pa ng aktres, dahil sa bihira na siyang gumawa ng proyekto ay kailangan niyang maging mas mapili. Tulad na lamang ng pelikulang "Everything About Her," kung saan nakasama niya ang mga mas batang aktor na sina Angel Locsin at Xian Lim.

Sorpresa ring bumisita sa "Magandang Buhay" si Xian para batiin si Vilma sa kanyang nalalapit na kaarawan.

Pinapurihan naman ni Vilma si Xian sa ipinakita nitong husay sa kanilang naging proyekto. 

"It was a privilege working with Xian and at the same time very challenging. Sabihin ko na ang totoo, kasi even before we did 'Everything About Her,' puro negative ang nakukuha ko, na 'bakit si Xian Lim ang kinuha mo'? 'Bakit 'yan?' Ang sagot ko, 'why not?'" kuwento niya. 

"Noong nagtrabaho kami, first time we met naramdaman ko kung gaano siya kaseryoso sa craft niya. Hindi ako nagkamali, ilang best supporting actor na ang nakuha. I'm proud of you, son," pagbati niya kay Xian.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.