Jed Madela, na-pressure kay Lea Salonga

ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2018 01:51 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Inamin ni Jed Madela na-pressure siya matapos sabihin ni Lea Salonga na manonood siya ng kanyang 15th anniversary concert.

Inimbitahan ni Jed ang dating "Miss Saigon" star sa kanyang show.

Dagdag ni Jed, nagbiruan din sila na bawal siyang magkamali dahil lagot daw siya kay Lea.

Nakadagdag-pressure din na kasama niya sa concert ang kapatid ni Lea na si Maestro Gerard Salonga.

Ang concert ni Jed na "XV Higher Than High: The 15th Anniversary Concert" ay gaganapin sa Araneta Coliseum sa November 16.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.