Empoy, nagbago na nga ba dahil sa kasikatan?

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2017 01:35 PM


MANILA --Poging-pogi at fresh si Empoy Marquez nang dumating sa premiere ng bago niyang pelikulang "The Barker" kasama ang bagong leading lady na si Shy Carlos.

Dito nilinaw ni Empoy ang bali-balita na lumalaki na ang kanyang ulo.

"Hindi naman siguro po kasi mas kilala ko 'yung sarili ko po," ani Empoy.

"Since first time ko siya makatrabaho eh hindi nagbago kahit superstar na siya ngayon," dagdag ni Shy.

Single si Empoy ngayon at ito raw ang magiging status niya sa matagal pang panahon.

Sinabi ni Empoy ang dahilan ng kanyang desisyon.
 
"Actually sila ang nai-in love sa akin talaga," biro ni Empoy. "Bawal ako ma-in love, kasi focus muna ako sa career ko ngayon, 'yun ang goal ko. Kaya 'di muna ako tumitingin sa mata ngayon."

Pagbabahagi pa ni Empoy, may mga pagkakataon na mga babae ang unang nagpaparamdam na type siya nito at gusto siyang makilala.
 
"Parang actually lagi namang ganoon, 'di pa ako artista, sanayan lang," ani Empoy.

Showing na ngayon ang pelikulang "The Barker." 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.