PatrolPH

Alexa Ilacad at Marlo Mortel, bibida sa bagong pelikula

ABS-CBN News

Posted at Oct 24 2019 11:55 AM

Watch more on iWantTFC

MANILA -- Bibida ang aktres na si Alexa Ilacad kasama ang mang-aawit at aktor na si Marlo Mortel sa bagong pelikula na "Santigwar."

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Huwebes kasama ang iba pang cast ng pelikula, nagbahagi si Marlo ng ilang detalye tungkol sa pinakabagong proyekto. 

"'Santigwar' is a Bicol term for albularyo. Pero this certain kind of albularyo ay lumalaban sa masasamang ispiritu at masasamang [nilalang] at 'yung (santigwar) ay si Alexa Ilacad," ani Marlo.

"Isang magandang outof town trip na may girls, pero 'yun pala gagawin kaming alay," dagdag ni Marlo tungkol sa pelikula.

Sa direksiyon ni Joven Tan, ipapalabas sa mga sinehan ang "Santigwar" sa Oktubre 30.

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.