'Simpleng buhay': John Lloyd, spotted habang bumibili ng turon

ABS-CBN News

Posted at Oct 24 2018 11:59 AM | Updated as of Oct 25 2018 09:29 AM

Muling naispatan ng mga netizen ang simpleng buhay ni John Lloyd Cruz matapos niyang lisanin ang showbiz. 

Sa retrato na kumalat sa Instagram, kita ang aktor na naghihintay na maluto ang kanyang biniling turon, suot ang puting t-shirt.

Simple man ang ayos, nakilala pa rin si John Lloyd dahil sa kanyang hindi nagbabagong tindig at porma.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by EA❤JLC (@ellen_johnlloyd) on

Hindi ito ang unang beses na namataan ang aktor sa pampublikong lugar. 

Kamakailan lang, nakuhanan din ang aktor ng netizen habang nakasakay ito sa pampublikong jeep sa Quezon City.

Oktubre 2017 nang ianunsyo ng Star Magic ang indefinite leave of absence ng aktor.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.