Carlo, sinagot kung nagkabalikan na nga sila ni Angelica

ABS-CBN News

Posted at Oct 24 2018 07:42 PM | Updated as of Sep 16 2019 12:56 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kasunod ng Instagram post ni Angelica Panganiban ng retrato kung saan kasama niya si Carlo Aquino, sabik ang CarGel fans na malaman kung nagkabalikan na nga ba sila. 

Sa Instagram post, makikita ang retrato ni Aquino at Panganiban na may caption sa baba na: "Lahat ng kaligayahan ngayon para sa 'yo. Mahal kita." 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

Sa press conference ng kanilang papalapit na concert ni Matteo Guidicelli, sinagot ni Aquino ang mga katanungang ito. 

Aniya, bagama't hindi sila nagkakabalikan, kay Angelica rin daw siya kumukuha ng inspirasyon. 

"Hindi. Hindi naman. Well, ako din naman, mahal ko din naman siya, source of inspiration, 'yun lang naman yung wini-wish namin sa isa't isa na 'wag nang matapos 'yung saya," aniya. 

Nagpasalamat din si Aquino sa naging tagumpay ng kanilang pelikulang "Exes Baggage" na kumita ng P355.5 milyon worldwide. 

"Thankful, 'yung tapos na pero sana pala hindi na lang natapos. Siyempre naging close kami, hala teka nahirapan ako, ang sarap lang ng feeling na ganito," aniya. 

Bukas aniya ang dalawa na magkaroon muli ng pelikula sa 2019. ​ -- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.