Empoy, 'nagpapangit' para makapasok sa showbiz

ABS-CBN News

Posted at Oct 24 2017 03:40 AM | Updated as of Oct 24 2017 04:27 AM

 

A post shared by Ok 9 (@empoy) on

Nakilala si Empoy sa kanyang bigote. Sa unang tingin pa lang ay alam mo nang may baong jokes at banat ang 36-taong-gulang na aktor. 

Matapos ang kanyang breakthrough role sa top-grosser na "Kita Kita," marami ang nakapansin na tila gumagwapo na raw si Empoy-- malayo na dating marungis niyang image. 

Tinanong ni Tito Boy nitong Lunes si Empoy kung totoo nga ba ang observation ng ilang fans. Natawa lamang ang binata at sinabing iyon naman daw talaga ang kanyang tunay na hitsura. 

 

A post shared by Ok 9 (@empoy) on

"'Yong hitsura ko po noong hindi pa ako artista, ganito po talaga. Kaso hindi po ako makapasok-pasok kaya nagpa-pangit po ako. Ngayong nakalusot na ako, bumalik uli ako," aniya. 

Aminado naman siyang hanggang sa ngayo'y hindi pa rin siya makapaniwala sa kasikatang tinatamasan niya. Dati raw ay pa-isa-isa lang ang nagpapa-picture sa kanya, pero ngayo'y halos kuyugin na siya kapag nagpupuntang mall. 

 

A post shared by Ok 9 (@empoy) on

Gayunpaman, nananatiling single si Empoy. Ilalaan na lang daw niya ang oras sa trabaho. Kamakailan nga'y na-ospital pa ang binata matapos mamanhid ng kanyang mukha. Ayon naman sa mga doktor, ito'y sanhi lamang ng pagod at stress. 

Sa darating na Oktubre 25, muling babalik sa pinilakang tabing si Empoy bilang bida at leading man ni Shy Carlos sa pelikulang "The Barker."