Joko talks about dad Paquito, but keeps quiet about Angelu

By MORLY ALINIO, abs-cbnNEWS.com

Posted at Oct 24 2008 12:18 PM | Updated as of Oct 25 2008 04:24 AM

Idinaan ng www. abs-cbn.com sa masayang ngiti si Joko Diaz kung kayat napapayag namin siyang makipag-usap.
 
"Honestly ayoko na talagang magpa-interbyu kasi puro intriga, ha-ha-ha! Tiyak itatanong n'yo na naman sa akin si Angelu de Leon" At binirahan nang tawa ng aming kaharap.
 
Matagal na ring walang balita kay Paquito Diaz matapos na ito ay ma hospital at mag-50-50 ang buhay. Na-comatose ito dahil sa sakit na hypertension.
 
"Mabuti naman ngayon si Daddy. Okey na siya ngayon at nakakausap na kaya lang pasyado pa siyang payat at hindi pa bumabalik yung bilog ng kanyang katawan.
 
"Wala nang balak pang bumalik sa pelikula si Daddy resign na siya sa pag arte tapos na siya sa harap ng camera kumbaga ay graduate na. Kaya nasa bahay na lang siya at nagpapahinga.
 
Nasaan si Paquito Diaz sa ngayon?
 
"Nasa Bicol po siya kasama yung mga kamag anak namin. Masaya at maayos naman ang kalagayan niya ngayon sa Legaspi. Kaya lang madalas na nagtatampo sa akin kahit gusto niya lagi ko siyang dinadalaw pero hindi naman ako puwede kasi nga ay kasama ako sa Asero ni Richard Gutierrez, Kumbaga may work kasi ako pero kapag may time naman ako,e, dinadalaw ko siya sa Bicol.
 
"Malabo na ngayon ang mata ni Dad, yun ang medyo problema talaga kasi since nung magkasakit siya parang napuruhan yung paningin niya. Sa sobrang labo ng mata ni Dad kailangan lagi siyang may kasama kapag naglalakad. Hindi na niya kayang mag isa ang umalis ng bahay.
 
Totoo nga bang naubos lahat ng mga ari arian na naipundar ni Paquito noong magkasakit ito at kung ilang buwan namalagi sa hospital?
 
"Totoo po yun. Naubos lahat ng mga ari arian na naipundad ni Daddy, Naubos yung bahay namin pati na ang mga kotse. Talagang said kami no choice. Mas ginusto naming mawala yung mga kasangkapan, bahay at kotse kesa naman mawala sa mundo ang daddy ko di ba? Mas mahalaga ang daddy ko kesa sa mga material na bagay sa mundo.
 
"Bagsak talaga ang family namin nang magkasakit si Daddy. Pero kinaya naming lahat kung ano man ang problema at heto unti unti na kami uli ngayong nakakabangon. Wala man yung mga naipundar,e, buhay naman si Dad at yun ang pinaka importante sa lahat'
 
Walong taon na ngayong may asawa't anak si Joko na kung saan ayon sa aktor ay naging maganda ang takbo nang kanyang buhay dahil sa asawang si Abegail na isang flight stewardess ng  Northwest.
 
"Tahimik ang buhay namin ni Abegail sa Batangas. Malayo ako sa intriga at siyempre lagi kong kasama ang aking pamilya. Yun naman talaga ang gusto kong mangyari yung malayo sa mga intriga.
 
Nakilala daw ni Joko si Abegail noong gawin niya ang pelikulang "Batang City Jail."
 
"Maraming nabago sa akin. Naging deretso ang buhay ko. Nagkaroon ako nang insperasuyon na hanggang ngayon ay siyang hawak ko bakit tuwid ang aking buhay at may pamilya akong mahal na mahal ko.
 
Babae ang naging supling nina Joko at Abegail na si Ashley na ngayon ay apat na taong gulang na.
 
Samantala hanggang ngayon ay hindi pa rin pala nagkaroon ng chance na magsakama si Joko at ang anak niya kay Angelu.
 
"Wala pa, nakakausap ko siya minsan pero hindi pa kami nagkasama talaga." pagwawakas ni Joko sa www.abs-cbn.com na obvious na iwas pag usapan si Angelu at ang anak nito sa aktres.