Ronnie Liang, bibida sa Music Museum concert

ABS-CBN News

Posted at Oct 23 2019 12:19 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Bibida sa isang concert ang mang-aawit na si Ronnie Liang.

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Miyerkoles, ibinahagi ni Liang na magaganap ang kanyang concert na "Ronnie Liang Love X Romance" sa Nobyembre 8 sa Music Museum sa Greenhills.

Special guests niya sa concert sina Sarah Geronimo, Ella Cruz at Janine Teñoso.

Naging bahagi ng "Pinoy Dream Academy" si Ronnie na pinasikat ang kantang "Ngiti," na inawit naman niya para sa mga manonood ng "UKG."

-- Umagang Kay Ganda, Oktubre 23, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.