PatrolPH

Matteo Guidicelli, ipinakilala na bilang bagong Pedro Penduko

ABS-CBN News

Posted at Oct 23 2019 11:32 AM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog) on

MAYNILA — Opisyal nang ipinakilala ang aktor na si Matteo Guidicelli bilang kapalit ni James Reid sa gagawing pelikula tungkol sa Pinoy komiks karakter na Pedro Penduko.

Naganap ang anunsyo nitong Oktubre 21 kasama ang direktor nito na si Jason Paul Laxamana.

Ayon kay Matteo, hindi niya inasahan na ipagkakatiwala sa kanya ang karakter ng Pedro Penduko.

"Sobrang overwhelming kasi we all know Pedro Penduko is a big, big name in Philippine cinema and Philippine culture kumbaga. So it's such an honor to hopefully carry it out with justice and with credibility," aniya sa naging panayam ng press.

Malaking bagay rin daw ang kanyang naging military training bilang paghahanda para sa bagong proyekto.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by VIVA Films (@viva_films) on

"I guess timing na timing lang. In the military, I volunteered to do it not thinking what this is gonna bring me in the future. Kumbaga timing na timing lang lahat," paliwanag ng aktor. 

Aminado si Matteo na ramdam niya ang pressure na mapantayan sina Efren Reyes, Ramon Zamora at Janno Gibbs na dati nang gumanap bilang Pedro Penduko.

"Syempre sobrang pressured po, basta gagawin namin ang lahat we've been training for three months already and Direk (Jason Paul Laxamana) is writing a whole new script and we're very excited to give them new taste," pahayag pa ni Matteo.

Sa huli umaasa ang aktor na magiging mainit ang pagtanggap ng mga taga subaybay ng Pedro Penduko.

Nakatakdang simulan ang shooting at training ni Matteo ngayong Nobyembre.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.