PatrolPH

Jane De Leon, nais humingi ng Darna tips kay Angel Locsin

ABS-CBN News

Posted at Oct 23 2019 04:44 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon) on

MAYNILA -- Nag-uumapaw na kaligayahan ang nararamdaman ngayon ng bagong Darna na si Jane De Leon para sa mga papuri na kanyang tinatanggap mula sa mga dating gumanap na Pinay superhero.

Matatandaan na sina Liza Soberano at Angel Locsin ang una nang bumati kay Jane matapos siyang ianunsyo bilang Darna.

"Una talaga like siyempre coming from Ate Angel, Ate Sharon (Cuneta) and others, masaya and masaya ako na 'yung tiwala rin na binigay nila sa akin para gampanan ko ang role," ani Jane.

At kahit umarangkada na ang kanyang training at planado na ang mga bagong timpla sa kanyang karakter, umaasa rin si Jane na makausap ng personal si Angel Locsin para hingan ito ng payo.

"Actually nag-uusap kami lagi ni Liza, nakapag-dinner na rin kami and ngayon looking forward naman ako kay Ate Angel Locsin na ma-meet siya," pahayag pa ni Jane.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.