PatrolPH

Dimples Romana, ibinida ang sulat mula kay 'Savannah'

ABS-CBN News

Posted at Oct 23 2019 11:46 AM

MAYNILA -- Naantig si Dimples Romana sa natanggap na handwritten letter mula kay Kim Molina na kilala rin sa kanyang karakter sa "Kadenang Ginto" bilang si Savannah.

Sinabi ni Dimples na isa na si Kim sa kanyang most treasured friends.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Sobrang babaw ko as a person. Madali akong mapasaya, mapaiyak, matouch. All my friends and family know that I never expect any gifts from them dahil sa totoo, masaya na ako sa lahat ng Meron ako sa buhay. Masaya akong magkakasama kami, yung alam ko lang na mahal nila ako At alam nilang mahal ko sila- SAPAT na sa akin. Pero once in a while, matitigas din ulo ng mga kaibigan At pamilya Ko eh. They will surprise me with the simplest but most meaningful and thoughtful presents. At may kasama pang pinakapaborito ko sa lahat- ang Hand written love letters 💝 And gusto ko lang I-flex ang latest gift na nareceive ko from THE Jowable herself @kimsmolina You are now one of my most treasured friends, you know my heart and you’ve seen me in my most vulnerable state. Thank you for loving me. For all the kind words and the hugs and laughter. And yes, the space and silence when you know it’s what I need for that day. Thank you! At Salamat dahil alam na tuloy ng lahat ngayon na hindi ko Kayang Walang tubig pag nagbabanyo 😂 Aliw tong post na to! Since Malapit na birth month ko, ipost ko nga mga nakakatuwa At nakakatawang gifts ng mga kaibigan At pamilya ko sakin para naman maipasilip ko sa inyo kung gaano ko kamahal tong mga to at kung gaano sila kapilyo at pilya sakin. P.s. sa buhay, Mas mahalaga yung maraming nagmamahal sayo at minanahal mo. Dahil ang pera nauubos Pero ang pagkakaibigan At pamilya any kailanman Hindi nabibilang ❤️

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana) on

Si Savannah ang pinagkakatiwalaang kaibigan ni Daniela Mondragon na ginagampanan ni Dimples sa sikat na serye.

Kuwento pa ni Dimples dahil malapit na ang kanyang kaarawan ipo-post rin niya ang mga nakakatawang regalo mula sa kanyang mga kaibigan at pamilya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.