'Sorpresaya' ng Cinemo, umarangkada na

ABS-CBN News

Posted at Oct 23 2018 12:54 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Nagsimula na ang pakulo, papremyo at patawa sa "Sorpresaya" kasama sina Jobert Austria, Nonong Ballinan at Elsa Droga.

Sinimulan na itong ipalabas nitong Lunes, 10:30 ng umaga, sa Cinemo Channel ng ABS-CBN TVPlus.

Ang suwerte na mismo ang lalapit sa inyo dahil limpak-limpak na cash prizes ang ipamimigay sa mga manonood tuwing Lunes hanggang Biyernes.

Manood lang from 8:30 ng umaga hanggang 11:30 ng umaga at abangan at sagutin ang "question for the day."