PatrolPH

Edward Barber, ibinahagi ang mga natutunan sa paglahok sa 'First Love'

ABS-CBN News

Posted at Oct 23 2018 04:12 PM

Edward Barber, ibinahagi ang mga natutunan sa paglahok sa 'First Love' 1
Retrato mula sa Instagram ni Edward Barber/ @edward_barber

Inihayag ng teen heartthrob Edward Barber na ipinagmamalaki niya ang pagiging bahagi niya ng pelikulang "First Love," kung saan daw siya natuto kung paano maging sarili niyang aktor.

"Noong nasa premiere kami, after the movie, [it] was probably the first movie or first project na I really could say that I was proud of what I did," kuwento ni Barber sa episode ng "Tonight With Boy Abunda" na umere noong Lunes.

"Parang umabot na ako sa personal standards ko so ang sarap talaga sa pakiramdam," dagdag niya.

Pero inamin ni Barber na noong una ay "very strongly" siyang nag-alangan na tanggapin ang proyekto dahil hindi raw niya kasama ang katambal na si Maymay Entrata.

Watch more on iWantTFC

"Since day one nandoon si May, sa bawat project, kasama ko siya, sa lahat. We really went through everything together," sabi ni Barber nang tanungin ukol sa kaniyang pagdadalawang-isip.

Sa kabila noon, batid naman daw ni Barber na may mga pagkakataong hindi talaga sila magkakasama ni Entrata sa mga proyekto.

Sa "First Love," natuto raw si Barber mula sa mga kasamahan kung paano maging sarili niyang aktor, lalo mula kay Aga Muhlach.

"Ang masasabi ko lang, they taught me how to be my own actor. It wasn't really told to me by Kuya Aga, he showed me on set," ani Barber.

"He has that weird power that you listen to him when he talks. Isa siya sa mga teachers na nagtuturo siya but he's not teaching you."

Edward Barber, ibinahagi ang mga natutunan sa paglahok sa 'First Love' 2
Edward Barber kasama ang 'First Love' co-star niyang si Aga Muhlach. Retrato mula sa Instagram ni Barber.

Ikinuwento rin ni Barber na noong una ay kabado siya sa shooting ng pelikula pero naging komportable rin kalaunan matapos ang isang pag-uusap kasama si Muhlach.

"Sa first day, actually, si Kuya Aga, pumunta siya sa akin, sabi niya, 'Kinakabahan din ako. If you wanna touch me in the scene, touch me. If the action feels right as your character, do it. Don't be nervous, I'm nervous too,'" ani Barber.

"Pagkatapos ng unang eksena, I didn't really feel nervous anymore because of Ate Bea [Alonzo] and Kuya Aga as well as Direk Paul [Soriano]."

Unang nakilala si Barber noong 2016 sa paglahok niya sa "Pinoy Big Brother: Lucky 7," kung saan din niya nakilala si Entrata.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.