PatrolPH

Regine Velasquez, hindi umaasang manalo ng award para sa 'Yours Truly, Shirley'

ABS-CBN News

Posted at Oct 22 2019 06:08 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Cinema One Originals (@c1originals) on

MAYNILA -- "No expectations."

Ganito inilarawan ni Regine Velasquez ang kanyang pagbabalik-pelikula sa "Yours Truly, Shirley" kasama ang miyembro ng Hashtags na si Rayt Carreon na kalahok sa 2019 Cinema One Original Festival.

"I never considered myself to be an actor, so mahirap ilagay ang sarili ko sa karamihan ng magagaling na artista na andito. I'm really happy to be here," sabi ni Regine sa panayam nitong Martes.

Hindi rin daw umaasa si Regine na manalo ng best actress award.

"Wala akong expectations. Plus kung ihahambing mo naman ang role ko sa role ni Ms. Cherie Gil parang kinanta niya 'yung 'What Kind of Fool Am I' tapos ang kinanta ko 'Urong Sulong' ganun ang basehan," aniya.

Ipinaliwang rin ni Regine ang dahilan kung bakit natagalan ang pagbabalik niya sa pelikula.

"Wala kasi ako doon sa tamang wisyo ng paggawa ng pelikula. Ewan ko, parang tinatamad ako, gusto ko lang muna kumanta. But noong ibinigay nila sa akin ang script, niligawan nila ako, parang I got really interested sa character and so I accepted it," aniya.

"Actually noong before mag-start, parang ayaw ko nang gawin kasi nai-stress ako. Parang gusto ko ba talagang gawin to? Parang sabi ko doon sa kapatid ko, 'Pwede ba mag back-out?' So minura niya ako, kaya thank you very much to my sister Cacai," masayang kuwento ni Regine.

Sa darating na Nobyembre 7 hanggang 17 mapapanood ang "Yours Truly, Shirley" at iba pang pelikula na kalahok sa Cineme One Original Festival.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.