Anne Curtis at Amy Perez, buwis-buhay ang pagtatanghal sa Magpasikat 2019

ABS-CBN News

Posted at Oct 22 2019 02:35 PM | Updated as of Oct 22 2019 02:50 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Nagsimula na ang pasiklaban sa Magpasikat para sa ika-10 taon ng "It's Showtime."

Nitong Martes, unang nagpakitang gilas ang grupo nina Anne Curtis at Amy Perez, kasama ang mga miyembro ng Bidaman. 

Para sa taong ito, maliban sa pagbabalik-tanaw sa mga pagsubok na pinagdaanan ng "It's Showtime," muling ipinakita ni Anne ang galing sa paggawa ng stunts.

Sa kabila ng pagkakaroon ng scoliosis, bumilib ang mga manonood at mga hurado sa pag-headstand ni Amy.

Naging kahanga-hanga rin ang ginawang stunt ni Anne gamit ang isang German wheel na in-import pa niya.

Buwis-buhay rin ang aerial stunts na ginawa ng dalawa kasama ang mga BidaMan.

Pagkalugmok at pagbangon ang mensaheng iniwan nina Anne at Amy sa mga manonood.

"Ngayon ay nandito kami nakatayo sa inyong harapan, pinatatag ng panahon, pinagyabong ng inyong pagmamahal. Just like a tree, we stand tall. Leaves wither and fall, branches grow in different directions but the roots remain as one. Babalik at babalik sa ating pinag-ugatan where we will be forever young, 10 taon at sa mga susunod pa," ani Anne bago ang pag-awit ng "Forever Young."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.