PatrolPH

Tony Labrusca, itinangging siya na ang leading man ni Liza sa 'Darna'

ABS-CBN News

Posted at Oct 22 2018 03:44 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Tony Labrusca (@tony.labrusca) on

MAYNILA -- Todo tanggi si Tony Labrusca sa mga haka-haka na siya na umano ang magiging leading man ni Liza Soberano sa pelikulang "Darna." 

"Wala pa po akong alam kung kasama ako or hindi," bungad ni Tony sa panayam ng entertainment press sa naganap na "Cinema one Originals" awards night nitong Lingo ng gabi.

"Pero kung kasama ako, I'd really love to work with them. And I know that they changed their director, so I hope this is for the best. And if ever that's the case na kasama ako, I would be so honored," dagdag niya.

Ayon pa kay Tony, hindi na rin daw bago para sa kanya ang usapin ng pagiging kabilang sa inaabangan na muling paglipad ni "Darna."

"I thinks that's all talks. I don't think anybody knows who her leading man is gonna be," paliwanag ni Tony.

"I mean, we thought na set in stone na yung 'Darna' then suddenly they changed the director na, so nobody can assume these things. I think people should stop making assumptions and just wait for the final product," aniya. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.