PatrolPH

'Kakaiba at nakakatawa': Nikko Natividad, fiancé may kwelang prenup video

ABS-CBN News

Posted at Oct 21 2021 04:59 PM

Kuha mula sa trailer ng Hello, Love, Goodbye at YouTube ni Nikko Natividad
Kuha mula sa trailer ng Hello, Love, Goodbye at YouTube ni Nikko Natividad

Pinangatawanan ng Hashtags member na si Nikko Natividad at kaniyang mapapangasawa na si Cielo Eusebio ang pagiging kwela hanggang sa kanilang prenup video.

Napuno ng katatawanan ang comment section ng YouTube channel ni Natividad nang ilabas nito ang prenup video na parody ng ilang sikat na Star Cinema movies. 

Nagsimula ang kanilang video sa paggaya sa isang eksena sa pelikulang “She’s The One” nina Bea Alonzo, Enrique Gil, at Dingdong Dantes.

Ginaya ni Eusebio si Alonzo na kunwaring nag-aayos ng nasirang sasakyan habang umuulan habang si Natividad ang nagsilbing Gil na mapapadaan at makikita si Eusebio. 

Watch more on iWantTFC

Gumawa rin ng sariling bersyon ang dalawa ng isa sa mga tumatak na eksena sa blockbuster film nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na “Hello, Love, Goodbye.”

Sa stock room scene, ginaya ng dalawa ang pagsiksikan nina Bernardo at Richards nang magkasabay sa loob ng pantry sa isang bar sa Hong Kong. 

Kasunod ang nasabing pre-wedding video shoot ng nangyaring bachelor’s party ni Natividad na kinatampukan ng muli pagsasama-sama ng grupong Hashtag. 

Kabilang sa dumalo sa nasabing party sina Kid Yambao, Tom Doromal, Wilbert Ross, Jimboy Martin, Vitto Marquez at Zeus Collins.

Kagaya ng inaasahan, puro kulitan at kalokohan ang naganap sa bachelor’s party kung saan nagdamit babae pa si Collins. 

Nitong Agosto, inanunsyo ng dalawa ang kanilang engagement. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.