Marco Gallo, hiling na makatrabaho si Nadine Lustre

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Oct 21 2019 01:11 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Lumipat na ng management ang nagbabalik-showbiz na si Marco Gallo.

Dito mas naging prangka si Marco sa pagsagot sa mga tanong ng showbiz press. Una rito ay kung bukas ba siya na magpa-sexy sa isang pelikula kung hinihingi ng kaniyang papel.
 
"Depende sa role na ibibigay sa akin. ...I just jump on it and that's the kind of person I am," ani Marco.
 
Nais ni Marco na makatrabaho sana si Nadine Lustre sa isang project na sa ngayon ay suntok sa buwan dahil sa dami ng projects ni Nadine.

"It would be a dream... No shame on the age," ani Marco.
 
Nilinaw rin ni Marco ang naging status nila ng unang nakatambal na si Kisses Delavin na nabuo sa "Pinoy Big Brother."
 
"Masasabi ko lang naging malapit na magkaibigan kami, totoo naman 'yon. Pero dumating sa pagmamahalan, hindi," ani Marco.
 
Inaasahan ni Marco na magbabalik ang sigla ng kanyang showbiz career at looking forward sa mga bagong makakatrabaho.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.