John Lapus, nagbihis a la Vice Ganda sa Star Magic Halloween party

ABS-CBN News

Posted at Oct 21 2019 05:00 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA --- Agaw-eksena si John "Sweet" Lapus sa Star Magic Halloween party nitong Linggo ng gabi nang nagbihis siya bilang Vice Ganda sa "It's Showtime."

 

Paliwanag ni Sweet, aprubado ni Vice ang kanyang look sa party.

"The other day kasi, habang nag-preview ng MMFF movie, bigla ko siyang naisip. Sandali wala pa akong costume for Star Magic Halloween party, sabi ko, 'Vice, pwede makahiram ng oufit parang gusto ko maging Vice Ganda.' Ayan, head to foot care of Vice Ganda," aniya.

May personal touch rin daw ng "It's Showtime" host ang kanyang ginawang pangagaya dahil siya mismo ang nag-style nito.

"Siya mismo ang nagdamit sa akin. Sa kanya lahat to -- buhok niya to, tapos ito ang mga pinapauso niya ngayon sa 'Showtime' 'yung mga oversized clothes. Sabi ko, 'yung gusto ko 'yung Vice Ganda lang sa 'Showtime.' Everybody is familiar sa look niya sa 'Showtime' di ba? paliwanag pa ni Sweet.
 
"Hindi ko na rin kaya 'yung Vice na girl 'yung naghi-heels. Sabi ko, 'yun lang casual Vice lang,'" pahayag pa niya.

Isa ngayon si Sweet sa mga tumatayong creative head ng 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ni Vice na "The Mall, The Merrier" na mapapanood ngayong darating na Pasko.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.