Chie Filomeno, walang planong makipag-ayos kay Dawn Chang

ABS-CBN News

Posted at Oct 21 2019 03:54 PM | Updated as of Oct 21 2019 08:04 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Mukhang walang balak ang miyembro ng GirlTrends na si Chie Filomeno na makipag-ayos pa sa dating ka-grupo na si Dawn Chang.

Kasunod ito nang tumitinding patutsadahan ng dalawa matapos ang naging komento ni Dawn sa kanyang pagbisita sa "It's Showtime" kamakailan bilang hurado.

"I think baka naman talaga para sa mga contestants 'yun," tugon ni Chie sa panayam sa naganap na Star Magic Halloween party nitong Lingo ng gabi.

"Pero kung sa amin, I just wanna say na kasi naging part rin siya ng group namin. Parang the way she talks, parang hindi siya naging parte ng isang grupo."

Ayon pa kay Chie, walang pagkakataon para makapag-usap sila ni Dawn na biglaan lang rin ang naging pag-alis sa grupo.

"Hindi kami nag-uusap at all after niya umalis ng GirlTrends. Wala siyang kinausap na aalis siya, or wala siyang pasabi na aalis siya. Nagulat na lang kami na nasa vlog na niya," aniya.

At nang tanungin kung mabibigyan ng pagkakataong maayos muli ang kanilang gusot sagot ni Chie, ang mariin niyang sagot ay hindi.

"I wanna be honest. No, just no! Wala na e kasi grabe na ang lamat na nilagay. So I'd rather not to be plastic about it," paliwanag pa niya.

Aminado rin ang GirlTrend member na masama ang loob niya sa mga naging nangyari. "Siguro kasi grupo nga e. Pero bakit parang nilaglag mo kami," sabi pa niya.

Dahil sa mga inaaning pangungutya sa social media, nanatiling positibo pa rin ang grupo sa bawat performance na kanilang hinahanda.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Positive na lang. Just be positive about it and we take it as (constructive) criticism," aniya.

"It's a lesson. Things happen for a reason and it's just that na mas mag-aaral (pa) kami ng mabuti, dahil hindi naman everyday is a good day and we're not perfect. Every day is a learning process," patuloy pa niya.

Hindi na rin daw iniisip ng grupo ang mga inaaning pangungutya sa social media.

"Parang immune na rin e, pero happy lang na ang GirlTrends ay nasa safe place ngayon," aniya. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.