BALIKAN: Mga bituin na nagpasiklab sa Black Magic Halloween Party

ABS-CBN News

Posted at Oct 21 2019 08:06 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nagpasiklaban ang Star Magic artists sa kani-kanilang Halloween costume sa "Black Magic Halloween Party" na idinaos Linggo ng gabi. 

Inulit ni Gillian Vicencio, na nakuha ang "Scariest Award" ang iconic character niya sa pelikulang "Eerie" bilang si Erika. 

"Ayan kasi siyempre dito po ako nagsimula ito po 'yung gusto ko ipakita sa iba," ani Vicencio. 

Trending naman si Rap Robles na dumating bilang food delivery man. Nostalgia ang hatid ni Zeus Collins na nag-Dora the Explorer at ni Maris Racal na gumanap bilang Princess Sarah. 

Dumating si Dimples Romana bilang si Maleficent, na nakitaan niya ng pagkahambing sa karakter niyang si Romina sa "Kadenang Ginto." 

"Well I think it's very timely. At the same time I've always felt connected as Daniela to Maleficent," ani Romana. 

"Most Creative Outfit" ang napanalunan nina Maymay Entrata at Edward Barber bilang sina Saitama at Genos ng webcomic na "One Punch Man." 

Trending naman sina Liza Soberano at Enrique Gil sa paggaya ng mga bida sa comedy flick na "White Chicks," na paborito umano ng dalawa. 

"White Chicks is one of our favorite movies of all time, and why not 'pag Halloween, di ba dapat all out? Hindi KJ. It's all about having fun," ani Gil. 

"[We thought] na instead of doing something scary let's do something funny naman so we came up with this," ani Soberano. 

Sa huli, sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang nag-uwi ng "Best in Costume" sa pagbihis bilang sina "Poison Ivy" at si "The Eye." 

Si Kira Balinger ang nakakuha ng Best Female Transformation Award para sa kaniyang Harley Quinn outfit.

Best Male Transformation ang nakuha ni Enzo Pineda bilang Beetlejuice.-- Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.