PatrolPH

Regine Velasquez, willing sumigaw ng 'Darna' para kay Liza Soberano?

ABS-CBN News

Posted at Oct 21 2018 01:34 PM | Updated as of Oct 21 2018 04:25 PM

MAYNILA - Kasabay ng paghahanda ng Kapamilya star na si Liza Soberano para sa muling paglipad ng pinakasikat na Pinoy female superhero, nagpasampol ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez ng kanyang pagsigaw ng "Darna".

Dito, inamin ni Regine na willing siyang gawin itong muli kung kakailanganin para kay Liza Soberano.

Bukod sa pagsigaw kay "Darna" nais din umanong maging kaibigan ni Regine si Liza na aminadong isa sa humahanga sa kagandahan ng dalaga.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano) on

"Ang ganda, ganda, gusto ko lang sabihin na ang ganda ganda ni Liza [Soberano] ang ganda niya ano? Sana maging friends kami," sabi pa ni Songbird sa unang media conference niya bilang Kapamilya.

Matatatandaan na ang boses ni Regine ang ginamit sa huling dalawang "Darna" na napanuod noon sa telebisyon na ginampanan nila Marian Rivera at Angel Locsin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.