PatrolPH

Bea Alonzo, binalikan kung paano sila nagsimula ni Gerald Anderson

ABS-CBN News

Posted at Oct 21 2018 01:26 PM | Updated as of Oct 21 2018 04:29 PM

MAYNILA - Sa bloggers conference ng pelikulang "First Love", muling binalikan ng aktres na si Bea Alonzo ang kanilang pinagdaanan ng kasalukuyang inspirasyon na si Gerald Anderson.

Kabilang na dito ang kuwento sa tila naudlot nilang pagmamahalan ni Gerald noong 2010.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo) on

"We were together noong 2010, but of course maraming humadlang, ibig sabihin, hindi siya napapanahon nung time na 'yun. Hindi 'yun right timing for us. We were very young and marami pa kaming gusto gawin sa buhay, so it had to be stopped," ani Bea sa naging panayam sa kanya.

"Tapos, nagkabalikan kami recently, hindi ko talaga sasabihin when (laughs)," patuloy na kuwento ni Bea.
 
Aniya, gaya ng kaniyang naging karakter sa pelikula, naging malapit din ang kuwento ni Nick at Ali sa kanilang pinagdaanan ni Gerald sa tunay na buhay.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr) on

"This movie, brought me to that experience, 'yung feeling na nagkaroon si Ali and Nick, 'yun din yung feeling na nagkaroon ako with him. A love that's unafraid, a love that is pure and hindi jaded," sabi pa niya.

Pagdating naman sa pagpapanatili ng tamis sa kanilang pagmamahalan ni Gerald, aminado ang aktres na hindi rin ito naging madali, "Yeah hardwork," sabi pa ni Bea.

"I mean choosing him, every single day. At some point it becomes a choice, it becomes a choice to keep loving somebody. Siguro 'yun we choose to love each other pa rin, siguro yun yung dahilan kung ba't kami nandyan sa isa't-isa," patuloy pa niyang kuwento.

Tulad nang ibang relasyon, hindi naman itinanggi ni Bea na dumadaan din sila sa pagsubok.

"Alam mo ano pa din siya, learning process pa din siya sa amin every single time we had a problem. Honestly marami akong natutunan about myself and this relationship, about him, about the things that i tolerate, I cannot tolerate, marami. And 'yung relationship namin is a work and progress, so 'yun marami kaming natutunan sa isa't-isa and about us and about this relationship," pahayag pa ni Bea.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.