PatrolPH

Calvin Abueva, iginiit na ‘sweet friends’ lang sila ni Vice Ganda

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2018 05:21 PM | Updated as of Oct 20 2018 06:18 PM

MAYNILA—Iginiit ni Phoenix Fuel Masters player Calvin Abueva na malapit lamang silang magkaibigan ng "It's Showtime" host na si Vice Ganda.

Ito ay sa kabila ng mga bali-balitang may namamagitan sa dalawa.

Sa panayam sa "Fast Break" sa DZMM Teleradyo nitong Sabado, iginiit na Abueva na malapit silang magkaibigan ni Vice dahil ninong ito ng kaniyang anak.

"Close lang. Close. Sa amin, sweet friend kami," aniya. " 'Yung anak kong bunso, pangalawang bunso, inaanak niya."

Taong 2014 umano nang nagkakilala sila ni Vice, na kaibigan ng kaniyang iba pang kabarkadang mga basketball player din.

Noon din niya kinuhang ninong ng anak niya si Vice, at naging malapit na silang magkaibigan mula noon.

Naging maugong ang usap-usapan sa totoong estado ng relasyon ng dalawa dahil sa madalas na pagbati ni Vice kay Abueva sa "It's Showtime" tuwing may laban ang koponan nito.

Madalas ding tinutukso ng kaniyang mga co-host sa "Showtime" si Vice, at minsan pa nga ay tinawag na "daddy" ni Ryan Bang si Abueva.

Maging ang mga kaibigan ni Abueva ay tinutukso rin siya dahil sa kaniyang pagiging malapit kay Vice.

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.