'I don't tolerate toxic people': Robi Domingo may buwelta sa ilang MayWard fans

ABS-CBN News

Posted at Oct 19 2021 06:18 PM

Mula sa Instagram nina Robi Domingo at Edward Barber
Mula sa Instagram nina Robi Domingo at Edward Barber

"I don't tolerate toxic people."

Ito ang ilan sa mga binitawang salita ng host na si Robi Domingo sa kanyang Twitter account matapos makatanggap ng mensahe na inaakusahan siyang ginagamit lamang ang aktres na si Maymay Entrata. 

Naglabas ng saloobin si Domingo sa kanyang social media account kung saan ipinakita niya ang isang mensaheng natanggap na nagsasabing marami na ang naiinis sa kanya na MayWard fans. 

"Naaasar na sa 'yo, sir, [ang] ibang Mayward kasi ginagamit mo lang daw si MM [Maymay] tapos boto ka kay Donny... Dapat respect mo naman feeling ni Edward... Salamat," saad sa mensahe. 

Hindi napigilan ng host na sumagot dito at linawin na walang ibang namamagitan kina Donny Pangilinan at Entrata bukod sa pagiging magkaibigan. 

"There's nothing between Donny and Maymay except friendship. Edward is a close friend of mine as well. Please respect that," banat ni Domingo. 

Dagdag pa niya, wala siyang planong kunsintihin ang ganitong pag-uugali kaya nagbanta itong ititigil na ang palabas nila ni Entrata na "Call Me MayBi."

"If you guys think that way, then we can always end it anytime. I don't tolerate toxic people. If you continue to act this way, I will stop producing the show. The very reason why I made this is I see potential in Maymay and I value inclusivity. If you don't see these, then I am a failure and I shall stop," sambit pa niya. 

Binigyang-diin pa ni Domingo na pinapahalagahan niya ang mga kaibigan at umaasang matitigil na ang nasabing espekulasyon. 

"I've had enough. This has to stop. I value my friends. I care about my friends," saad ng host. 

Humingi naman ng paumanhin si Entrata dahil sa pangyayari lalo pa't kilala niya si Domingo na aniya'y mabuti palagi ang intensyon sa mga tao. 

"Pasensya ka na, Kuya Robs. Gustuhin ko man na matigil ang ganitong eksena pero gusto kong malaman mo kahit anong masamang sabihin ng ibang tao tungkol sa 'yo, mangingibabaw ang katotohanan na busilak ang puso mo, Kuya, at lagi kang may good intention sa mga mahal mo sa buhay," sagot ni Entrata sa nasabing tweet. 

Makailang ulit na ring itinanggi ni Entrata na may namamagitan sa kanila ni Pangilinan at hiniling na tigilan na ang pagpapakalat ng isyu. 

"Gusto kong magpasalamat sa bawat isa sa mga sumuporta sa 'kin since day one. Sa lahat ng MayDon fans, thank you pero gusto ko rin pong klaruhin na wala pong namamagitan sa aming dalawa," ani Entrata.

"Sana ma-stop po ang pag-spread ng rumors about sa 'min. Maraming salamat po," dagdag ng aktres.

Related videos:

Watch more on iWantTFC
Watch more on iWantTFC