Angel Locsin, nagsalita sa pagpapalit ng direktor ng 'Darna'

ABS-CBN News

Posted at Oct 19 2018 10:50 AM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

MANILA -- Naniniwala si Angel Locsin na maganda pa rin ang kalalabasan ng pelikulang "Darna."

Ito ay sa kabila nang pagpapalit ng direktor para sa malaking proyekto ng Star Cinema.

Matatandaang nito lamang Oktubre 5 ay inanunsiyo ng ABS-CBN na papalitan ni Jerrold Tarog si Erik Matti bilang direktor ng pelikula.

"Honestly, wala akong masyadong balita sa Darna ngayon. Pero alam ko, 'yun talaga ang pinakaimportanteng project ng ABS-CBN. So kung anuman ang mangyari sa Darna, alam ko na super ganda pa rin ang kakalabasan. Wala akong alam sa mga nangyayari pero excited ako na mapanood," ani Angel na iginiit na buo ang suporta niya sa bagong Darna na si Liza Soberano.

"Oo naman, sobrang suportado ko si Liza," ani Angel na nakilala sa pagganap niya bilang Darna sa telebisyon.

Si Angel din ang unang napili ng Star Cinema para bumida bilang Darna pero hindi ito natuloy dahil sa kanyang problemang pangkalusugan.