Ylona Garcia, makakatrabaho ang international artists

ABS-CBN News

Posted at Oct 18 2019 10:10 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA -- Excited na ang mang-aawit at dating "Pinoy Big Brother" housemate na si Ylona Garcia dahil may inihahanda siya para sa kanyang mga tagahanga.

Sa Instagram, nagbahagi si Ylona ng retrato kung saan kasama niya ang mga international star tulad nina Grammy-winning singer na si Her, dating "The Voice of the Philippines" coach apl.de.ap at Jamaican singer-songwriter Skip Marley.
 
"New stuff coming. Met real cool people. Heart is happy," ani Ylona sa caption ng kanyang post.

-- Umagang Kay Ganda, Oktubre 18, 2019