Mabigat na eksena sa seryeng 'Pamilya Ko', trending

ABS-CBN News

Posted at Oct 18 2019 10:20 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Trending at pinag-usapan ang galing sa pag-arte ng mga bidang aktor sa seryeng "Pamilya Ko."

Sa episode nitong Huwebes, muli na namang naantig ang mga manonood sa mabibigat na eksena matapos malaman ng mga anak nina Fernan Mabunga (Joey Marquez) at Luz Mabunga (Sylvia Sanchez) ang naging panloloko ng kanilang ama sa kanilang ina dahil sa naging relasyon nito kay Loida (Irma Adlawan).
 
Maliban kina Joey at Sylvia, hindi rin nagpahuli pagdating sa pag-arte at iyakan ang mga gumanap na anak nila sa programa na sina JM de Guzman, Kiko Estrada, Jairus Aquino, Maris Racal, Mutya Orquia, Kira Balinger at Kid Yambao.

Gamit ang #PamilyaKoUlan, naging usap-usapan at nag-trending sa Twitter ang eksena ng pamilya Mabunga na pinapurihan ng netizens.


Ipinapalabas ang "Pamilya Ko" mula Lunes hanggang Biyernes, bago ang "TV Patrol" sa ABS-CBN.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.