'Binibini' na di nakasipot sa pageant sa Venezuela wala umanong PH passport

ABS-CBN News

Posted at Oct 18 2019 08:35 PM | Updated as of Oct 19 2019 07:42 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Lumalalim ang misteryo sa pagkawala ng reigning Binibining Pilipinas Grand International na si Samantha Lo, na hindi na nakasipot sa pageant sa Venezuela.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Samantha Lo (@samantha_ashley_lo) on

Oktubre 9 pa huling nakita si Lo na papaalis na sana papunta sa 
Caracas, Venezuela para lumahok sana sa Miss Grand International pageant. 

Pero hanggang ngayon, wala pa ring update kay Lo kaya maraming lumutang na espekulasyon sa nangyari sa beauty queen. 

Ayon sa pageant websites, nakita pa si Lo sa Paris, France para sana sa connecting flight papuntang Venezuela pero naharang daw ito hanggang sa pauwiin pabalik sa Pilipinas.

Hindi pa rin naglalabas ng pahayag ang Binibining Pilipinas kaya lalong tumitindi ang agam-agam. 

Nitong Biyernes, bahagyang nagkalinaw ang sitwasyon nang kumpirmahin ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala daw passport record sa kanila si Lo.

"Based on an ongoing investigation, the DFA confirms that Ms. Lo has no record in the DFA passport database and is continuing the process of ascertaining the facts of the case," ayon sa ahensiya.

—Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.