Bakit lubos ang pasasalamat ni Karla Estrada kay Regine Velasquez?

ABS-CBN News

Posted at Oct 18 2018 12:36 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Hindi naitago ni Karla Estrada ang saya sa sinabi ni Regine Velasquez na nais niyang makatrabaho ang anak nito na si Daniel Padilla.

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, nagbigay reaksiyon si Karla sa mga magagandang sinabi ni Regine tungkol kay Daniel.

"Nakakataba talaga ng puso 'yon," ani Karla. "Kaya nga tinext ko agad 'yon. Mayroon kasi kaming Viber group kaya talagang nag-thank you ako. Dahil nakakatuwa naman 'yon, di ba? Siyempe Regine Velasquez 'yan. Idolo ng lahat, lalo na ng mga mang-aawit," Estrada added.

Nitong Miyerkoles, pormal nang bumalik sa Kapamilya network si Regine.

Sa panayam bago ang contract signing, ibinahagi ni Regine ang paghanga kay Daniel dahil sa galing nito sa pag-awit at sinabing nais niya itong makatrabaho sa kahit anong proyekto.

Ayon naman kay Karla, makakasama ni Daniel si Regine sa "ASAP Live in Sydney."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.