'Siya ang papakasalan ko': Ria Atayde, ibinunyag ang 'deal' nila ni Marco Gumabao

ABS-CBN News

Posted at Oct 17 2019 12:45 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Inamin ni Ria Atayde na may deal sila ng aktor na si Marco Gumabao.

Sa naging pagbisita ni Ria sa "Tonight with Boy Abunda," naikuwento nito ang tungkol sa naging usapan nila ni Marco nang sumalang siya sa larong "Sagip o 'Di Ko Trip."

"Ay sasagipin ko 'yan (si Marco). May deal kami by 35 at hindi kami kasal, siya ang papakasalan ko," ani Ria na nauugnay ngayon sa aktor na si JM de Guzman.

Nang matanong kung ano ang estado ng relasyon nila ngayon ni JM, sagot ni Ria: "Still really getting to know each other. Friends pa rin talaga with mutual respect and I guess 'yung alam mong puwede talaga. Alam mo naman."

Watch more in iWant or TFC.tv

Pag-amin ng aktres, maaring mauwi sa seryosohan ang kung ano ang mayroon sila ngayon ng aktor.

"Because we click very well. I can be my true self without being judged and I think that's very important. Nakikita niya na nirerespeto niya ako and he cares and that's very important," ani Ria na iginiit na hindi pa rin siya handa sa bagong relasyon. 

"Both coming from heavy history. Hindi lang siya 'yung hindi ready, ako rin po," ani Ria na itinanggi na binasted niya si JM.

"Paano mamba-busted eh wala pa namang pagtatanong na nagaganap," ani Ria na inamin din ang pagiging malapit ni JM sa kanyang pamilya.

Si JM ay kasama ng ina ni Ria na si Sylvia Sanchez sa seryeng "Pamilya Ko."

Si Ria naman ay isa sa mga bituin ng "Parasite Island" na mapapanood tuwing Linggo sa ABS-CBN. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.