PatrolPH

Claudine Barretto, nagpasalamat sa kapatid ni Rico Yan

ABS-CBN News

Posted at Oct 17 2019 11:19 AM

MANILA -- Sa kabila nang pagdadalamhati dahil sa pagpanaw ng kanyang amang si Miguel Barretto, nagpasalamat ang aktres na si Claudine Barretto sa kapatid ng 'yumaong aktor na si Rico Yan.

Sa Instagram, ibinahagi ni Claudine ang retrato kung saan kita ang pagdamay sa kanya ni Tina Yan, kapatid ng kanyang dating nobyo na si Rico.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

"Thank you for your hugs and wiping my tears. Thank you for being my rock," ani Claudine.
 
Matatandaang bumida noon sina Rico at Claudine sa seryeng "Mula sa Puso," at "Saan Ka Man Naroroon" at mga pelikulang tulad ng "Dahil Mahal Na Mahal Kita" at "Got 2 Believe."

Pumanaw si Rico habang natutulog noong Marso 29, 2002 dahil sa acute hemorrhagic pancreatitis.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.