Paano napapanatili ni Julia Barretto ang magandang katawan?

ABS-CBN News

Posted at Oct 17 2017 07:00 PM | Updated as of Oct 18 2017 01:28 AM

Napa-wow ni Julia Barretto ang netizens nang mag-post siya ng retrato na pinapakita ang kaniyang abs. 

Fit na fit ang 'It Girl' ng 'ASAP' na talagang naglalaan ng panahon at sinisingit sa busy niyang schedule ang pagpunta sa gym. 

“I worked so hard for that so when I saw it in the picture, I said ‘oh my gosh! I want to share this.’”

 

A post shared by Julia Barretto (@juliabarretto) on

Sobrang 'sexy' rin ni Barretto sa ginanap na Star Magic Ball ilang linggo na ang nakalilipas. Kuwento niya, pinaghandaan niya talaga ito. 

“Few weeks before the Star Magic Ball, I had time to really workout also and watch what I was eating. So I was able to catch up.”

 

A post shared by Julia Barretto (@juliabarretto) on

Dahil sa sobrang busy sa taping ng teleseryeng 'A Love to Last' at pelikulang 'Love You to the Stars and Back', inamin niyang nahirapan siyang mag-workout noon pero hataw na ulit siya sa gym ngayong may kaunting break. 

Kuwento ni Barretto, importante sa kaniya ang pangangalaga sa katawan sa pamamagitan ng healthy lifestyle. 

“I have to because it’s for myself, it’s for the people who look up to me, it’s for my health. I like to exercise. I think I just grew up being so active,” aniya. 

Dagdag pa ni Barretto, hilig niya na ang sports mula noong bata pa. 

“I did tennis. I did badminton and I was an ice skater. Volleyball was my most favorite so I stuck to that.”

Ibinahagi rin ni Barretto ang sikreto niya sa toned abs at fit na katawan. 

Aniya, healthy eating ang susi rito pati na ang tatlong beses sa isang linggo niyang pagwo-workout sa gym. 

Motto niya rin ang “everything in moderation.”

Para kay Barretto, kahit 20 anyos pa lang siya ay kailangan nang pagtuunan ng pansin ang kalusugan para mas gumanda on and off screen.

“I feel better. My skin is so much better... I feel when you’re healthier, it has a good effect mentally, physically, emotionally,” kuwento niya. 

-- Ulat ni Dyan Castillejo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.