Unang concert ni Zephanie Dimaranan, suportado nina Sarah G at Regine Velasquez

ABS-CBN News

Posted at Oct 16 2019 03:23 PM | Updated as of Oct 16 2019 10:17 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Handang-handa na ang "Idol Philippines" grand champion na si Zephanie Dimaranan para sa kanyang first major concert na gaganapin ngayong Nobyembre 28 sa New Frontier Theater.

Kuwento ni Zephanie, extra special ang kanyang concert dahil makakasama niya ang mga idolong sina Sarah Geronimo at Regine Velasquez.

"Hindi ko po inaasahan na magiging part sila ng isa sa mga memorable na part sa life ko," tugon ni Zephanie sa panayam.

"Hindi po ako makapaniwala na mag-yes po sila agad and sobrang siguro nga na totoo po na proud po sila (sa akin). Ayoko ko pong biguin 'yun, kaya ibibigay ko po talaga ang pinaka-best ko sa concert ko kasama sila."

Watch more in iWant or TFC.tv

Binalikan rin ng dalagitang singer kung paano siya naging fan ni Sarah.

"Ever since po na bata pa lang po ako, mga song na po niya ang pinapakinggan ko. Hindi man po ako nakakapanood ng nga concert niya noon na sobrang fan na pumupunta kung nasaan siya, pero 'yung love ko po sa music niya sobrang gustong-gusto ko po at talagang kinakanta ko. Ginagamit ko pang-contest ko rin po," aniya pa.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Kaya noong time ko na nakapasok ako sa 'The Voice', sobrang natuwa ako na umikot siya for me. Sobrang love na love ko po si Ate Sarah [Geronimo] kasi sobrang bait rin po niya sa akin, sobrang sweet," pahayag pa niya.

Sa ngayon, puspusan na ang paghahanda ni Zephanie para sa kanyang first major concert sa direksyon nina John Pratts at Raul Mitra.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.