Gabby, tiwala na sa sariling desisyon ni KC Concepcion

ABS-CBN News

Posted at Oct 16 2019 07:11 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Gabby Concepcion (@concepciongabby) on

MAYNILA -- Kasunod ng muling pagkakaayos nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, isa rin daw sa nagpaabot ng kasiyahan ang kanilang anak na si KC Concepcion.

Kuwento ni Gabby, madalas pa rin niyang nakakausap ang anak kahit nasa abroad ito ngayon.

"Happy naman siya, recently nag-usap kami because of her new commercial. Ako 'yung una niyang pinagpadalhan ng video," tugon ni Gabby sa isang panayam.

At dahil madalas nag-uusap, hindi na rin daw bago sa aktor ang mga pinagdadaanan ng kanyang anak, lalo na pagdating sa buhay pag-ibig nito.

"'Yun ang maganda sa buhay e, it's unpredictable. Life is full of challenges; sabi nga nila maraming hurdles. And again, ito na naman tayo sa mga hurdles ng buhay; hindi lang naman siya, lahat tayo," sabi pa ni Gabby.

At bilang ama, isa raw ang madalas niyang pinapayo sa kanyang anak: "Katulad nga ng sinasabi ko dati pa, ang importante lang happy siya. Hindi ko naman makakasama sila 'pag nasa bahay, sila sila lang 'yun, kung saan siya happy, doon rin ako."

Ayon pa kay Gabby, minsan na rin niyang nakilala ang huling nakarelasyon ni KC na si Pierre Plassart at isa lang rin ang ipinayo niya rito.

"Marami na akong nabigay sa kanyang advice, pero 'pag nagkikita kami lagi ko tinatanong na 'Are you happy? How are you? Is he okay?' Ang importante lang naman communication e, nagtatawagan, nag-uusap. Minsan makakausap mo lang mawawala na 'yung problema."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.