Andrea Brillantes, mas nakikilala pa ngayon si Seth Fedelin

ABS-CBN News

Posted at Oct 16 2019 07:21 PM | Updated as of Oct 16 2019 07:48 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Kasabay ng pagpapagawa ng kanyang pangarap na bahay, tuloy-tuloy muna raw ngayon sa trabaho ang Kapamilya teen star na si Andrea Brillantes.

Kuwento ng "Kadenang Ginto" star, magkahalong kaba at saya ang kanyang nararamdaman ngayon sa bumubuhos na blessings na kanyang tinatanggap.

"Masaya pero natatakot rin kasi siyempre kailangan ko i-maintain ang mga nangyayari ngayon. Pero all in all masaya talaga ako and mas nag-work hard ako. Siyempre bawal na akong mag-chill kasi may pinapagawa na akong bagong bahay," tugon niya sa panayam.

At kahit buhos ang kanyang blessing ngayon, labis pa rin na pinasasalamatan ni Andrea ang mga fans na buong puso rin ang binibigay na suporta sa kanya.

"Lahat ng meron ako ngayon, dahil 'yun sa mga fans ko. Kung wala sila, wala ako ngayon at hindi ko natatanggap kung ano ang meron ako ngayon kaya sobrang nagpapasalamat ako," aniya pa.

Isa rin sa ipinagpapasalamat ni Andrea ang mainit na pagsuporta sa kanilang tamabalan ni Seth Fedelin na bahagi rin ng hit Kapamilya series na "Kadenang Ginto."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe) on

Ayon sa dalaga, malaking tulong sa kanilang chemistry ang pagkakapareho nila ng ugali.

"Ever since na na-meet ko si Seth, parang never naman na nagkaroon ng ilangan, parang natural naman ang chemistry namin noong na meet ko siya. Parang after ng taping namin sa 'Kadenang Ginto,' close na agad kami, kasi parang magkalapit agad ang personality namin," ani Andrea.

At kung ilalarawan ang kanilang estado ngayon, aniya, "Ngayon po, mas lumalalim ang friendship namin, ang samahan namin. Mas nakikilala ko siya, nakikilala niya ako. Mas nag-focus kami sa trabaho namin ngayon, pero alam ko andiyan siya para sa akin at alam rin niya na andito ako para sa kanya."

Sa ngayon, patuloy na napapanood si Andrea sa hit afternoon Kapamilya series bilang si Margaret Bartolome sa "Kadenang Ginto."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.