Aga Muhlach, masaya sa pagdating ng maraming proyekto

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Oct 16 2019 12:33 PM

Aga Muhlach at Alice Dixson sa 'Nuuk'

MAYNILA -- May bagong pelikulang aabangan na bida sina Aga Muhlach at Alice Dixson. ito ang "Nuuk" na nag-shooting pa sa Greenland.

Ayon kay Aga, ito ang una niyang ginawang pelikula nang mag-desisyon na mag-comeback sa showbiz ilang taon na ang nakakaraan.

Malayo ang role ni Aga dito kumpara sa nakasanayang leading man at kilig na papel.

"When I stopped and came back six years ago, even before 'Seven Sundays,' this film was offered to me already. I was looking for other vehicles kung paano kasi matagal ka nawala tapos babalik ka and then you do another love story. Tinanggap ko agad siya para iba, iba naman," ani Aga.

Hindi ikinakaila ni Aga na 50 years old na siya at masaya sa projects na dumadating sa kanya ngayon.

"I'm 50 years old and I have these films coming left and right. Parang in the span of two years ito ang nangyari sa akin so I can't complain," ani Aga.

Ikinuwento pa ni Aga na dumaan siya sa chapter na nagrebelde siya at dito, marami siyang natutunan.

"'Yung mga panahon na nasa set na lahat, hindi ako dumadating; presscon hindi ako dumadating. 'Yung iba dito alam 'yan, di ba? Tapos darating ako sa presscon pilit na pilit, tapos sasabihin dumating ka pa?" kuwento ni Aga.

Ipapalabas ang "Nuuk" sa Nobyembre 6.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.