Kuh Ledesma, pinuri si Regine Velasquez bilang katrabaho

ABS-CBN News

Posted at Oct 16 2018 08:21 PM

MAYNILA -- Isa si Kuh Ledesma sa mga kilalang malalapit na kaibigan ni Regine Velasquez na napipinto ngayon ang paglipat ng network.

Sa naging panayam ng ABS-CBN news kay Kuh sa rehearsals ng kanyang upcoming concert na "Kuh Ledesma & Christian Bautista Sing Streisand Groban Legrand" na gaganapin sa Oktubre 20 sa Solaire Tent, inilarawan ni Kuh si Regine bilang isang kaibigan.

"I would really call her a friend," bungad ni Kuh.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Backstage with the divas. Missing @popsfernandez !!! #sharonmy40years

A post shared by Zsa Zsa Padilla (@zsazsapadilla) on

"She's very magnanimous. I would use that word for Regine. She's very hard working at kaibigan siya," patuloy pa ni Kuh.

Aniya mas lalo silang naging malapit ni Regine dahil sa kanilang parehong pananampalataya.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Ngayon nga that she's already a sister in Christ kasi she's a Christian already, and I'm very proud of her. She's very devoted as a follower of Jesus and sana magkaroon kami ulit ng 'Power of Two,' napakasaya no'n actually," pahayag pa ni Kuh.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.