Xander Ford, humingi ng tawad kay Kathryn

ABS-CBN News

Posted at Oct 16 2017 02:32 PM

MANILA -- Humingi ng paumanhin si Xander Ford sa mga hindi magagandang nasabi nito noong siya ay si Marlou Arizala pa.

Sa kanyang Facebook page, muling humingi ng tawad si Xander at nakiusap na bigyan siya ng pangalawang pagkakataon para itama ang mga mali niyang nagawa sa nakaraan.

 

"Tinatry kuna mag bago. pero paano ko sisimulan yun kung pinapangunahan ako ng ibang tao. paano ko maipapakitang nag bago na ako. kung puro pang babash nalang yang gagawin nyo. Si Marlou pa ako nuon na Tanga, Inutil, Panget, Bobo at skwater mag salita. lahat yun kinalimutan kuna nag tatry na ako mag bago para sa ikabubuti ko. Nilayuan ko na ang mga tao na alam ko di mabuting impluwensya at makakasira sa akin at hahadlang sa pagbabago ko. nag papaka tatag lang ako para sa pamilya ko. Bigyan nyo naman po ako ng pagkakataon. madami pang Issue ang lalabas nuong marlou pa ako. Ipag papasa dyos kuna lang kayo. Matatapos din ito," ani Xander.

Humingi din ng tawad si Xander kay Kathryn Bernardo, matapos maglabasan ang video noong siya ay si Marlou pa na nilalait ang "La Luna Sangre" star.

"Sorry sa lahat ng mga apektado sa video na lumabas lalo na kay Ate Kath. Madami pang pagsubok ang lalabas. Laban lang. Salamat po sa lahat ng patuloy na sumusuporta," ani Xander.

 

Pag-amin ni Xander, marami na siyang natatanggap na hate messages at bilang tao ay nasasaktan din siya.

Giit niya na bigyan siya ng pagkakataon para sa isang bagong simula.

"Nagkakamali din po ako at nasasaktan sa mga masasakit na salita. Mabigat po sa loob pag nakakabasa ng mga hate messages sa mga taong hindi ko naman ginawan ng masama. Binigyan po ako ng disciplinary action ng managers ko at willing po ako tanggapin ang anumang kaparusahan na naaayon sakin. Willing din po ako magpa-interview para sagutin lahat lahat ng binabato sakin at ng buong katapatan. Bigyan nyo po sana ako ng chance magbagong buhay. Maraming salamat po at God bless us all," ani Xander.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.