Yamyam Gucong, planong pagsabayin ang pag-aaral at pag-aartista

ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2019 12:18 PM | Updated as of Oct 15 2019 12:21 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Muling binalikan ng "Pinoy Big Brother" winner na si Yamyam Gucong ang isang aral na kanyang natutunan sa loob ng bahay ni Kuya.

"Ang natutunan ko sa loob ng bahay ni Kuya, kahit 'yung pangarap mo naabot mo na, mangarap ka ng bago. Kumbaga, huwag ka makuntento, mawawala rin 'yan bigla, mauubos rin kaya huwag ka ma-kompiyansa na naabot mo na ," tugon ni Yamyam sa "Magandang Buhay."

Bukod sa aral na natutunan sa loob ng Big Brother house, ibinahagi rin ni Yamyam ang kanyang pangarap na tapusin ang kanyang naudlot na pag-aaral.

"Actually ang pangarap ko unang-una ang makatapos ako ng pag-aaral, 'yun po talaga," sabi pa ni Yamyam na nag-aaral para maging guro.

"Bumalik ako sa pag-aaral, 18 years old na ako so napamahal na ako sa mga bata."

Kasabay ng kanyang planong pagtatapos sa pag-aaral, gusto rin isabay ni Yamyam ang kanyang pag-aartista.

"Aside sa pagiging teacher, gusto ko pong ma-explore 'yung showbiz, kung paano nila na-sustain 'yung ganito, paano nila na-maintain ang popularity nila."

Sa ngayon, napapanood si Yamyam sa "Home Sweetie Home: Extra Sweet" at bahagi rin ng pelikulang "Mang Kepweng" na pagbibidahan ni Vhong Navarro.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.