Juliana Parizkova Segovia, naubos na ang P1-milyon premyo sa 'Miss Q & A'

ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2019 12:31 PM | Updated as of Oct 15 2019 06:49 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Ipinagmalaki ng unang "Miss Q & A" grand champion na si Juliana Parizkova Segovia ang malaking pagbabago sa kanyang buhay matapos sumali sa kompetisyon ng "It's Showtime."

"Unang una sa pamilya, siguro malaki talaga 'yung pinagbago niya kasi after winning Miss Q & A or kahit na hindi pa nag-grand finals and Miss Q and A at hall of famer pa lang ako, ang dami ng blessings na dumarating," tugon ni Juliana sa "Magandang Buhay" nitong Martes.

"Hindi pa ako grand winner, mayroon na akong 'Funny Ka Pare Ko' so parang sa pamilya, ang laking blessing na noon kasi financially hindi na kami ganun ka-struggle."

Bukod sa buhos na proyekto na tinatanggap ngayon, malaki rin ang pasasalamat ng unang "Miss Q & A" champion na marami rin siyang mga nadidiskubreng abilidad na kanyang ipinapakita sa mga humahanga sa kanya.

"Akala ko hanggang 'Miss Q & A' lang ako so hindi ko alam na kaya ko palang umarte, kaya ko palang mag-hurado, kaya ko mag-hosting. So every now and then na may nadi-discover ako sa sarili ko, mas lalo ko napagaaralan na kailangan pala na every now and then, nirere-discover mo ang sarili mo," aniya pa.

Ibinahagi rin ni Juliana kung saan napunta ang P1 milyon na nakuhang pa-premyo sa "Miss Q & A."

"Ubos na siya! Tulad nga nang sinabi mo akin dati Momshie Karla, ang P1 million mabilis lang 'yan maubos, lalo na kung galing ka sa walang wala. So ang nangyari sa akin sa P1 million ko, hindi ako nagsisi na naubos siya kasi naubos siya pero iba 'yung magiging kuwento ko someday na 'ito o tatlo na TV namin, 'yung P1 million ko may malamig na kaming tubig sa ref," paliwanag ni Juliana.

Sa kabila nang naranasan na ginhawa sa buhay, mas pinipili pa rin daw ni Juliana na maging mas masipag pa sa buhay para sa kanyang mga pangarap.

"Parang darating sa punto ng buhay mo na kahit isang araw ay relax na ako, parang sinong mag-aakala na dating kalat-kalat sa kalye, ngayon nakikita na sa TV, na-relax ako ng one day pero gigising ka na ito na paubos nanaman siya," sabi pa niya.

Ibinahagi rin ni Juliana ang isang payo na sinabi sa kanya ng "It's Showtime" host na si Vice Ganda.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Juliana Parizcova Segovia (@juliana_parizcova) on

"Lagi niya sinasabi sa akin na sa bawat gagawin mo, na kahit isa lang ang linya mo sa isang kunwari pelikula, teleserye, bitawan mo siya ng pinaka the best na bitaw. 'Yung ibigay mo lagi lahat, araw-araw, minu-minuto, maraming pwedeng mangyari," aniya.

"Kumbaga, lagi ko tinatatak sa isip ko na, tama si Meme Vice na kailangan mo lang lagi na pag-igihan."

Sa ngayon, patuloy na napapanood si Juliana sa "FPJ's Ang Probinsyano" bilang si Francine.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.