PatrolPH

Gigi de Lana excited sa pagbida sa seryeng 'Hello, Heart'

ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2021 04:32 PM | Updated as of Oct 14 2021 07:02 PM

Watch more on iWantTFC

Mula sa kaniyang hit music videos, sasabak na ngayon sa pagbida sa serye ang singer na si Gigi de Lana.

Si De Lana ang napiling leading lady ng aktor na si Gerald Anderson para sa "Hello, Heart," isa sa 2 kauna-unahang Filipino series na ipo-produce ng streaming platform na iQiyi.

"Excited ako at masaya ako dahil pangarap din siya ng nanay ko. Gusto niya ako mag-artista. Ako, singer lang talaga," sabi ni De Lana sa panayam ng ABS-CBN News.

"Pero nabigyan ako ng opportunity so ginrab ko na talaga," aniya.

Hindi pa man nag-umpisa ang taping, aminado si De Lana na kabado siyang makasama si Anderson.

"Isang beses ko pa lang siya na-meet. First ko siya nakita, napakabait na tao, very professional," paglalarawan ni De Lana sa makakatambal.

"Siyempre kailangan ko maging ready kasi si Gerald parang ready na siya sa lahat kasi matagal na niyang ginagawa 'tong pag-arte," dagdag niya.

Susundan ng "Hello, Heart" ang kuwento ni Heart, na magpapanggap na asawa ng karakter ni Anderson na si Saul.

Hindi pa ibinibigay ang petsa kung kailan lalabas sa iQiyi ang naturang palabas.

— Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.