Regine, Sharon, namangha sa kakaibang talento ng isang tagahanga

ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2019 12:23 AM

Ikinamangha ng mga batikang mang-aawit na sina Sharon Cuneta at Regine Velasquez ang kakaibang talento ng batang si Mark Anthony "Maky" Bonita.

Nauna nang nagviral ang video ni Maky na naka-vertical split habang kinakanta ang "Pangarap Ko Ang Ibigin Ka."

Pinatunayan rin ng bata hindi siya nag-lip sync at boses talaga niya ang maririnig sa video.

Bukod sa pag-split, kumanta rin si Maky habang tumatambling.

Payo ni Velasquez sa bata, ipagpatuloy lamang ang pagkanta para lalo pang mahasa ang kaniyang talento.

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.