Maine Mendoza, binalikan ang audition sa 'Pinoy Big Brother'

ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2019 04:35 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on

MAYNILA -- Muling binalikan ng "Isa Pa With Feelings" star na si Maine Mendoza ang kanyang naging pagsisimula sa showbiz.

Sa naging panayam ng Push, binalikan ng TV-host actress ang trending na clip nya noon sa Pinoy Big Brother taong 2014 na inilabas mismo ng Kapamilya big boss na si Lauren Dyogi.

Kuwento ni Maine, naimbitahan siya noon na mag-audition para tuparin ang kanyang pangarap na maging housemate ni Kuya.

"Naisipan ko lang mag-audition, may nagsabi sa akin, may nag-invite kung gusto ko bang mag-audition for 'PBB.' Ako naman, even before, honest naman ako na gusto ko talagang makasali ng 'PBB.' So nakita rin na baka eto na rin 'yung chance. So 'yun na nga 'yung chance, pero hindi pa 'yon 'yung tamang panahon," tugon ni Maine sa ulat.

Hindi man raw pinalad na makapasok sa "PBB," naging masaya naman raw ang naging experience ni Maine sa audition.

"Nagsimula ako no'n ng alas-sais nang umaga hanggang ala-una nang umaga. Pero umuwi ako ng sad. Pero okay lang masaya 'yung experience," aniya.

Sa ngayon, isa si Maine sa inaabangan na bibida sa "Isa Pa With Feelings," na pagtatambalan nila ng aktor na si Carlo Aquino.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.