Ethel Booba, may kondisyon bago sumali ng 'Tawag ng Tanghalan'

ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2019 06:13 PM | Updated as of Oct 13 2019 08:05 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Tawag Ng Tanghalan (@tawagngtanghalan) on

MAYNILA -- Mariin na nilinaw ng singer-comedian na si Ethel Booba ang ilan sa kanyang mga kondisyon bago niya tinaggap ang pagiging celebrity contender sa Tawag ng Tanghalan sa "It's Showtime."

Isa na dito ang magkabukod na bayad ng talent fee sa makukuhang premyo. "Tinanong ko agad 'yung premyo at TF. Sabi ko, 'Ito magkaliwanagan tayo ha, ang TF ba at saka premyo hiwalay,'" pabirong tugon ni Ethel sa isang panayam.

Bukod sa usapin ng talent fee, inamin ni Ethel na may isa pa siyang nais patunayan sa kanyang pagsali sa Tawag ng Tanghalan.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Gusto ko maalala nila kumakanta pala talaga ako," aniya pa.

Dahil sa kanyang naging performance noong Biyernes, isa si Ethel sa mga aabangan na lalaban sa ilan pang mga celebrity contender ng Tawag ng Tanghalan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.